Manila mayors, pabor sa 60-day period para sa clearing operations sa kanilang nasasakupan


Loading...

Manila mayors

POSITIBO ang tugon ng mga Metro Manila mayors sa ilalabas na kautusan ng DILG para linisin ang mga harang sa daan sa buong Metro Manila.


Sa pagpupulong na isinagawa ng Metro Manila Council, inilatag sa mga Metro Mayors ang mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis ang lahat ng mga kalsada sa buong bansa sa mga illegal vendors at illegal parking.

Buong bansa ang sakop ng kautusan ng pangulo subalit uunahin muna ang Metro Manila cities sa implementasyon.

Kapwa naman nangako sina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto, San Juan Mayor Francis Zamora at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na susunod sila sa kautusan ng DILG.

Ayon naman kay DILG Usec. Epimaco Densing, magpapalabas sila ng memorandum circular sa susunod na linggo para pormal na ipatupad ang kautusan.

Kapag hindi umakto dito sa loob ng 60 araw ang mga mayor, maaari silang masuspende sa pwesto dahil galing ang direktibang ito sa Malacañang.

Matatandaan na binanggit ni PRRD sa kaniyang 2019 SONA ang kagustuhan nitong malinis ang mga kalsada sa mga illegal vendors at parking at maibalik ang luwag ng traffic lalo na dito sa Metro Manila.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento