MMDA, LGUs nagsanib-pwersa sa clearing operations


Loading...

Ipinagpatuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Pasig at Pateros, ang clearing operations ngayong araw.


Pinangunahan nina MMDA Chairman Danilo Lim, MMDA General Manager Jojo Garcia, DILG Undersecretary Nestor Quinsay Jr., Pasig City Mayor Vico Sotto, at Pateros Mayor Miguel "Ike" Ponce ang nabanggit na clearing operations.

Giniba ng mga tauhan ng MMDA Sidewalk Clearing Operations Group ang isang security outpost na matatagpuan sa intersection ng San Joaquin, Pasig City.

Kabilang sa isinagawang clearing operations ang pagtatanggal ng illegally-parked vehicles sa nabanggit na lugar. Maliban dito, binigyan din ng final warning ng mga otoridad ang mga iligal na nagbebenta sa bangketa.

Pinuri ni Lim ang suporta ng mga alkalde sa Metro Manila gayundin ang PNP Highway Patrol Group sa effort ng ahensya na linisin at tanggalin ang lahat ng nakakabara sa kalsada.

“Ako ay umaasa na mami-mintina ng mga local chief executives ang kalinisan at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupang lugar,” ani Lim.

Para naman kay Quinsay, iginiit nito na tatalima ang DILG sa direktiba ni Pangulong Duterte na bawiin ang lahat ng public roads sa loob ng 60 araw.

Samantala, nadiskubre ng mga operatiba ng MMDA ang operasyon ng isang iligal na terminal malapit sa drive thru ng isang fast-food chain sa Barangay San Joaquin.

Ayon kay Sotto, inatasan na niya ang Traffic and Parking Management Office ng Pasig na maghanap ng posibleng lokasyon ng permanenteng transport terminal para sa kaginhawaan ng mga commuters.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento