Mga nasa likod ng fake news sa SEA Games tukoy na ng PHISGOC — House Speaker Cayetano

Apat na grupo ang natukoy ng PHISGOC na nagpapakalat ng fake news tungkol.sa SEA Games.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, chairperson din ng PHISGOC, may digital trail silang nakuha na pagkakakilanlan ng mga social media group.

Aniya, posibleng sampahan ng cyber libel at sabotage ang mga ito sakaling ituloy ng organisasyon ang pagsasampa ng kaso laban sa naturamg grupo.

Muli rin nitong binigyang-diin na hindi siya ang napupuntirya ng pambabatikos at paninira ngunit ang bansa.

Loading...

Bukod dito, ilang mga kasamahan din sa media ang lumapit kay Cayetano upang ipagbigay alam na may ilang indibidwal na umiikot na nanunuhol para maglabas ng mapanirang report.

Maging mismong mga atleta aniya ay nilalapitan rin ng mga ito.

Magsusumite raw ang PHISGOC ng full report sa Pangulo hinggil dito.

ilalahad na lamang din nila ang iba pa nilang makakalap na impormasyon sa December 12.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento