Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang First-time Jobseekers Assistance Act o RA 11261 na layuning tulungan ang mga bagong graduate sa kolehiyo sa proseso ng kanilang pag-aaplay ng trabaho.
Loading...
Maituturing na regalo sa mga bagong graduate ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11261 o First Time Jobseekers Assistance Act.
Kabilang sa mga libreng makukuha ng mga bagong naghahanap ng trabaho ay ang clearance mula sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police at barangay, medical certificate mula sa mga government clinic at hospital, birth o marriage certificate, tax identification number (TIN), transcript of records mula sa mga state university at college, at Unified Multi-Purpose ID card o UMID.
Kailangan lamang magsumite ang mga job applicant ng barangay certification bilang katunayan na first time jobseeker sila. Pero ang exemption sa mga bayarin ay isang beses lamang na mapapakinabangan ng mga maghahanap ng trabaho.
Inaasahang nasa 1.3 milyong first time job applicant ang makikinabang sa bagong batas kada taon. (Dang Samson-Garcia/Aileen Taliping)
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!