VIRAL: Bata, nakatulog sa gilid ng kalsada habang nag-aaral at nagbebenta ng sampaguita


  • Ibinahagi ng isang netizen sa kaniyang Facebook account ang litrato ng isang batang lalaki habang tila nakaupo sa gilid ng kalsada
  • Kung pagmamasdang mabuti ang litrato, mapapansin na nakatulog ang batang lalaki habang hawak ang isang libro
  • Napag-alaman na ang bata sa litrato ay si Cedrick Robelado na nakatulog habang nag-aaral at nagtitinda ng sampaguita upang may panggastos sa pag-aaral


Loading...
Isa ang social media sa mga daan upang magbahagi ng mga personal na karanasan sa pang araw-araw ng mga Pinoy. Marami nang mga sikat na personalidad ngayon ang nakilala dahil lamang sa pagpost tungkol sa kanila sa social media.

Sa panahon ngayon ay mabilis na ang magpa-trending at viral ng mga posts lalo na kung ito naman ay kamangha-mangha at may positibong mensahe. Maraming mga netizens ang napupukaw ang damdamin sa mga kuwento sa likod ng mga litratong napo-post at share sa mga social media platforms.

Tulad na lamang ng batang lalaki sa litratong in-upload ng netizen na si Sha Lim Pua sa kaniyang Facebook account. Ang naturang post ay mayroon nang halos dalawang libong likes at shares.

Makikita sa post ang litrato ng isang batang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada. Kung susuriing mabuti ang litrato, makikitang nakatulog ang batang lalaki habang hawak-hawak ang nakabukas pang pahina ng libro.
Ang post na ito na kuha umano sa may cathedral ng Lipa, Batangas ay nilagyan ni Pua ng caption na: Sana malayo marating mo baby boy. Sana maging inspirasyon to sa mga kabataan. Sana may magbigay sa kanya ng scholarship. Ps. Nagbebenta din po sya ng sampaguita para pandagdag sa baon niya.

Samu’t saring papuri naman ang ipinahayag ng mga netizens dahil sa kasipagan at pagpupursigi ng batang lalaki sa litrato.

“Nakakaproud ang mga ganitong bata. I’m sure magiging success siya pagdating ng araw. Gagabayan ka ni Lord sa lahat ng oras. Salute you!”

“Nakita ko rin siya kahapon, talagang nakakatuwa yung mga batang nakikitaan mo na agad ng kagustuhang makapag aral at makatapos! sana maging inspirasyon ka ng maraming kabataan.”

Ang ibang netizens naman na nakakita ng post ay nagpahayag ng kanilang pagtulong para sa batang lalaki. Ayon naman sa uploader na si Pua, babalikan niya umano ang cathedral kung saan niya nakita ang batang lalaki upang kunin ang pangalan nito at iba pang detalye upang siya ay mabigyan ng tulong.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento