Pasahero minolesya umano ng isang Angkas rider sa QC

Selda ang hantungan ng isang Angkas driver matapos molestiyahin umano ang kaniyang babaeng pasahero sa Quezon City noong Sabado.

Kwento ng biktima, galing siya sa inuman sa bahay ng isang kaibigan sa Project 6, QC at nag-book pauwi sa Eastwood.

Subalit sa halip na agad ihatid sa bahay, pinaikot-ikot daw siya ng driver sa Katipunan at CP Garcia.
Loading...
Makailang beses umano silang huminto sa mga madidilim na bahagi ng kalsada, at dito na hinawakan ng driver ang maseselang bahagi ng katawan ng babaeng pasahero.

Nang makakita siya ng tanod ng barangay, saka siya sumigaw kaya naaresto ang driver. Itinurn-over ng barangay sa Anonas Police Station ang suspek.

Inirekomenda ng pulisya na kasuhan ang suspek ng acts of lasciviousness, at posible itong iakyat ng biktima sa mas mabigat na kasong rape.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento