Bawal palayasin: Pagbabayad ng renta sa bahay, maliliit na negosyo may grace period

Inilatag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes ang magiging patakaran sa ibibigay nilang grace period sa pagbabayad ng renta sa gitna ng umiiral na Luzon lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon sa DTI, bibigyan ng grace period na 30 araw para mabayaran ang renta sa bahay at maliliit na negosyo kung pumatak ito sa panahong may enhanced community quarantine.

READ: Paniningil ng renta kahit may lockdown maaaring ireklamo ayon sa DTI

Ang naturang renta ay maaari ring bayaran nang utay-utay sa loob nang 6 na buwan.

"Cumulative amount of rents that need to be paid within the ECQ must be amortized equally in the six months following the end of the said period. This can be added to the rent owed for succeeding months without interest, penalties, fees, and charges," ayon sa DTI.

Maaaring ireklamo ang mga lalabag sa patakaran sa pamamagitan ng pag-email sa Fair Trade and Enforcement Bureau (FTEB) sa FTEB@dti.gov.ph.



Loading...
Pero kung kakayanin naman daw ng mga nagpaparenta, hinikayat ng DTI ang mga ito na i-waive na o wag nang pagbayarin ang mga nangungupahan.

"No Filipinos should lose their residence during the ECQ period. Moreover, the importance of MSMEs (micro, small and medium enterprises) in jumpstarting our economy once the ECQ has been lifted cannot be understated," ani Trade Secretary Ramon Lopez.

Nakatakdang matapos ang Luzon lockdown sa Abril 12, pero wala pang anunsiyo kung palalawigin ito.





Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento