Loading...
Arestado ang dalawang kawani ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) matapos mangikil ng P1,000 sa hinuling UV Express driver, Biyernes ng hapon sa Pasig City.
Batay sa nakalap na report mula sa Eastern Police District, nakilala ang mga suspek na sina Emmanuel de Guzman, 49; at Christopher Punzalan, 45.
Ayon kay PCol. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police Station, inaresto ang dalawa alas-4:45 ng hapon (Hulyo 26) sa kahabaan ng De Castro Ave. corner Ortigas Ave., Barangay Sta. Lucia.
ase sa reklamong inihain ng complainant na si Rey Macawile, 45, UV Express driver, pinara at hinuli siya ng mga suspek at inasuntuhan ng out of route.
Ayon sa biktima, kinumpiska ng dalawa ang kanyang ipinakitang dokumento at lisensya at kinuhanan ng P1,000 saka sinabihan na ihatid muna ang mga pasahero saka bumalik para sa kanyang lisensya.
Umalis ang biktima at agad na nagtungo sa Pasig Police Station at inilahad ang ginawang paghuli sa kanya ng mga suspek na kung saan ay agad na ikinasa ng follow-up team ang operation at naaresto ang dalawa.
Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kinahaharap na kasong extortion.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!