
- Isang batang lalaki sa China ang naduling dahil sa paggamit ng cell phone sampung oras kada araw
- Ayon sa kaniyang ama, hindi raw nakikinig ang bata at halos buong araw lang nakatitig sa kaniyang cell phone at naglalaro ng mobile games
- Sabi naman ng doktor na sumuri sa bata, hindi sigurado kung mababalik pa sa normal ang kaniyang mga mata
Loading...
Marami man ang natatawa sa ganitong ekspresyon, mayroon namang katotohanan sa likod nito. May hindi magandang epekto ang mga gadgets tulad ng smartphone sa ating katawan.
Ganito ang nangyari sa isang batang lalaki na taga-China. Ang siyam na taong gulang na lalaki ay naduling dahil lamang sa paggamit ng cell phone. Ang kuwento ng bata ay naipalabas sa isang video streaming app na Pear Video.

Ayon sa kaniyang ama, pinagsasabihan daw niya ang anak tungkol sa labis na paggamit nito ng cell phone. Inaraw-araw umano kasi nito ang paglalaro sa cell phone buong bakasyon.

Ayon sa doktor na sumuri sa batang lalaki, hindi umano niya sigurado kung babalik pa sa normal ang hitsura ng mata nito. Ipinayo rin ng doktor ang hindi paggamit ng cell phone ng bata ng tatlong buwan hanggang isang taon.
Kapag hindi umano bumalik sa dati ang mata ng bata pagkatapos nitong umiwas sa paggamit ng cell phone, kinakailangan umano niyang sumailalim sa corrective eye surgery.
Ayon pa sa doktor, ang mga mata ng bata ay hindi pa ganun kalakas para magbabad sa pagtingin sa mga gadget screens. Dahil umano sa maliit na distansya mula mata hanggang sa tinititigang gadgets tulad ng cell phone, malaki ang posibilidad na maduling nga ang mga ito.
Ipinapayo ng doktor ang paglilimita ng mga magulang sa paggamit ng cell phone o ibang gadget ng kanilang mga anak. Ugaliin din umano ng mga magulang ang pagsasabi ng “hindi puwede” kapag labis na ang paggamit ng mga bata sa cell phone.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!