Dekorasyon sa kasalang naganap sa Benguet, nag-viral

Viral ngayon sa social media ang ginanap na kasalan sa San Jose Parish Church sa La Trinidad, Benguet noong buwan ng Hulyo.


Loading...
Imbes na makukulay na bulaklak, ang ginamit na dekorasyon sa kasal na ito -- mga sariwang gulay!

Ang altar sa simbahan sa La Trinidad, Benguet, napuno ng repolyo, cauliflower, at broccoli. Ayon sa mag-asawang Claver at Fleann Molot, ideya ito ng kanilang tiyahin. Pumayag sila dahil, bukod sa tipid sa dekorasyon ay ikinabubuhay din nila ang pagsasaka ng gulay.

Ipinamigay daw sa parish at sa mga bisita ang mga gulay pagkatapos ng wedding ceremony.

Ang nilakaran ng bride, mga abay, ninong at ninang ay may mga gulay rin tulad ng repolyo, broccoli at cauliflower.

Ayon sa mag asawang sina Claver at Fleann Molot, idea raw ito ng kanilang tiyahin.

Hindi naman raw nila ito tinanggihan dahil bukod sa kakaiba ito ay pagsasaka rin ng gulay ang kanilang ikinabubuhay.

Masaya ang mag asawa dahil hindi nila akalaing mapapansin ang kanilang simpleng kasal hanggang sa mag viral ito sa social media.

Ayon pa sa mag asawa, hindi naman raw nasayang ang mga gulay na ginamit na dekorasyon dahil ipinamigay ito sa mga dumalo sa kasalan.

Malaki rin raw ang kanilang natipid dahil hindi na sila bumili ng iba pang palamuti.

Hinding hindi raw nila makakalimutan ang kanilang pagiisang dibdib.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento