Kusa silang sumuko sa Barangay 826 Zone 89, at ang lima sa kanila ay mga menor de edad na napapabilang sa iisang 'gang.'
Binalaan ng alkalde ang mga suspek na nasa wastong gulang at ang mga magulang ng mga menor de edad sa mga maaari nilang kaharaping kasong sibil at kriminal.
Loading...
Kabilang rito ang RA 7610 (Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na naglalayong maparusahan ang sino mang nag-utos o nag-impluwensya sa isang bata na gumawa ng krimen.
Maaari ring harapin ng mga akusado ang Article 155 Revised Penal Code (Alarms and Scandal).
"Sila ay may kakaharaping kaso dahil iyan ang huling nilagdaan ng biktima. May imbestigasyon at ihaharap sila sa piskalya," ani Domagoso.
Tiniyak naman ng punong kawani ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na si Re Fugoso na patuloy na gagampanan ng pamahalaang lungsod ang rehabilitasyon sa mga menor de edad na suspek.
"Noong nakaraang linggo po, nag-umpisa na po ang counseling natin," aniya.
Pinaalalahanan din ni Mayor Domagoso ang publiko na huwag pairalin ang galit at patuloy na magtiwala sa pamahalaang lungsod at sa tamang proseso ng paglilitis.
"Mga kababayan, nauunawaan ko ang damdamin n'yo. Talagang nakapangigigil 'yung kagaguhan nitong mga 'to. Pero hangga't maaari, nananawagan ako sa inyo, huwag n'yong pagbuhatan ng kamay, pagkat hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali," aniya.
"Huwag nating ilalagay sa ating kamay ang hustisyang ninanais natin. May pamamaraan d'yan, at legal. Patuloy tayong maniwala na may pamahalaang lungsod ng Maynila na tutugon sa ganitong mga sitwasyon," dagdag pa ng alkalde.
0 Mga Komento
Let us know your thoughts!